2 dating opisyal na idinawit sa iligal na droga umapela na maibestigahan na

By Marilyn Montaño March 14, 2018 - 04:52 AM SHARE(S):

Umapela si Daanbantayan Northern Cebu Mayor Vicente Loot at dating Cebu City Mayor Michael Rama na imbestigahan na rin sila matapos silang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umanoy protektor ng droga pero hanggang ngayon ay hindi pa pormal na nakakasuhan.

Panawagan ito nina Loot at Rama sa pag-asang matulad sila sa kapalaran ng negosyanteng si Peter Lim na gaya nila ay nadawit sa illegal na droga at nabansagang narco politician.

Nais ng dalawa na maimbestigahan na rin sila para kalaunan ay maabswelto rin sa pagka-ugnay sa droga.

Ayon kay Loot, paano niya malilinis ang kanyang pangalan kung hindi naman siya iimbestigahan at kinakaladkad lang ang kanyang pangalan sa droga.

Nagsumite na umano si Loot ng affidavit sa National Bureau of Investigation matapos mabanggit ni Kerwin Espinosa ang kanyang pangalan na umano’y isa sa mga tumanggap ng protection money mula sa kanya pero hanggang ngayon ay wala umanong tugon ang ahensya.

Gaya ni Loot ay nais na rin ni Rama na maimbestigahan siya dahil mabigat na umano ang kanyang pinagdaraanan matapos maakusahan sa bagay na anya’y hindi naman niya ginawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.