Lalaking nag-amok arestado sa Quezon City

By Justinne Punsalang March 14, 2018 - 04:32 AM SHARE(S):

Hinuli ng mga kawani ng barangay ang isang lalaki na nag-aamok habang may dala-dalang itak sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si MG Sevillo.

Ayon sa isang kawani ng barangay, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa pagwawala ni Sevillo. Kaya naman agad silang nagtungo sa lugar kung saan naabutan pa nilang nanggugulo ang suspek.

Tinataga pa umano ni Sevillo ang gate ng isang bahay doon.

Sinubukan pang kausapin ng mga taga-barangay ang suspek ngunit hindi ito nakikipagtulungan sa kanila, kaya naman pinosasan na ito at dinala sa himpilan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6.

Aminado naman ang suspek sa kanyang ginawang pagwawala, aniya pa, nakainom siya kaya niya ito nagawa. Ngunit depensa niya, mayroong bumato sa kanya kaya naman sinundan niya ito sa bahay at pinagtataga ang gate nito.

Bukod sa hawak na itak ay nahulihan rin ng kutsilyo si Sevillo.

Desidido naman ang may-ari ng bahay na magsampa ng kaso laban sa suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.