Lalawigan ng Cavite, walang pasok sa Marso 22

By Rhommel Balasbas March 14, 2018 - 04:28 AM SHARE(S):

Walang pasok ang buong lalawigan ng Cavite sa March 22, araw ng Huwebes sa susunod na Linggo.

Sa bisa ng Proclamation No. 446 na nilagdaan ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, idineklarang special non-working day ang naturang araw.

Ito ay bilang paggunita sa selebrasyon ng kaarawan ni General Emilio Aguinaldo, unang pangulo ng republika ng Pilipinas.

Ang deklarasyon ay bilang pagbibigay daan sa mga CaviteƱo na maipagdiwang at makapabilang sa mga gagawing aktibidad sa lalawigan kaugnay ng nasabing okasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.