Pulis-Krame inambush sa Cebu

By Justinne Punsalang March 14, 2018 - 04:19 AM SHARE(S):

Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang pulis sa Barangay Lipata, sa bayan ng Minglanilla, Cebu.

Kinilala ang biktima na si PO2 Rome Bolaño, 49 taong gulang at isang pulis na nakadestino sa Kampo Krame, ngunit tubo ng Talisay City.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakasakay si Bolaño sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa labas ng isang pawnshop nang pumarada sa tabi nito ang isang Mitsubishi Pajero.

Doon na pinagbabaril ng mga sakay ng Pajero ang biktima bago kumaripas ng takbo.

Ayon kay Minglanilla Police Station chief, Senior Inspector Verniño Noserale, sa ngayon ay blangko pa sila kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Aniya, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon upang makilala ang mga salarin sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.