Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan City

By Justinne Punsalang March 14, 2018 - 04:14 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabaril ng riding in tandem sa kahabaan ng Camarin Road na sakop ng Barangay 178 sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Allan Alday, 37 taong gulang at isang tricycle driver sa lugar.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, sinabi ng mga nakasaksi sa pamamaril na naghabulan muna ang biktima na sakay ng kanyang pampasaherong tricycle at riding in tandem.

Nang maabutan ng mga salarin ang tricycle ay doon na dalawang beses na pinaputukan sa ulo si Alday na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Isa sa mga tinitingnang motibo sa pamamaslang ang away-trapiko. Sinasab kasing reckless o hindi maingat magmaneho si Alday.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa insidente, partikular na upang matunton ang mga nasa likod ng pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.