Ginebra nasungkit ang Game 3 kontra San Miguel sa PBA Semis

By Rhommel Balasbas March 14, 2018 - 03:59 AM SHARE(S):

Pinaninindigan ng Barangay Ginebra ang kanilang motto na ‘never say die’.

Ito ay matapos magwagi ang koponan sa game 3 ng PBA Philippine Cup semifinals kontra San Miguel sa iskor na 95-87.

Dahil dito, pinababa ng Gin Kings ang lamang ng Beermen sa 2-1.

Ayon kay Ginebra head coach Tim Cone, ‘perfect’ ang naging laro ng kanyang koponan at makikitang nag-enjoy lamang ang kanyang mga manlalaro.

Bagaman masaya sa panalo ay hindi pa sila kuntento ani Cone.

Nanguna para sa Ginebra sina Japeth Aguilar at LA Tenorio para sa kanilang tig 25 at 18 points.

Nanguna naman para sa Beermen si June Mar Fajardo sa kanyang 23 points.

Magaganap ang Game 4 ng semis sa pagitan ng dalawang koponan bukas, araw ng Huwebes, sa Mall of Asia Arena.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.