Isang panalo na lang para sa warriors

June 15, 2015 - 04:07 AM

Final Score NBAAng MVP na si Stephen Curry ang naging susi para magwagi ang Golden State Warrios kontra Cleveland Cavaliers sa game 5 ng NBA Finals Lunes ng umaga (Philippine Time).

Sa iskor na 104-91 umabante ang Warriors at lamang na sa standing na 3-2.

Umabot sa 37 puntos ang nai-ambag ni Curry na pinakamataas na iskor nito sa loob ng limang laban. Kabilang dito ang pitong 3-pointers.

Si Lebron James naman ng Cavs ay nakapagtala ng 40 points, 14 rebounds at 11 assists.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Golden State Warriors para makuha ang pinaka-aasam nitong kampeonato.

Sakaling magwagi sa game 6 na gaganapin sa Miyerkules ng umaga (Philippine Time) at tuluyang mag-champion ito ang unang pagkakataon na makukuha ng Warrios ang kampeonato simula noong 1975. / Dona Dominguez – Cargullo

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.