1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Florida

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 13, 2018 - 08:14 AM

Isa ang nasawi at sugatan ang dalawa pa sa pamamaril na naganap sa isang establisyimento sa Plant City, Florida.

Ayon sa Hillsborough County Sheriff’s Office ang pamamaril ay naganap sa Bliss Enterprises sa Plant City, Inc., na isang rural construction business.

Sa inisyal na imbestigasyon ang suspek na kinilalang si Richard Bliss ay unang nakipagtalo sa dalawang katao at pagkatapos ay bumunot ng baril at saka pinaputukan ang mga biktima.

Ang dalawang nasugatan na edad ay nasa pagitan ng 44 hanggang 45 ay dinala na sa ospital. Isa sa kanila ang kritikal ang kondisyon.

Napatay naman ng mga rumespondeng otoridad ang suspek.

 

 

 

 

 

TAGS: Plant City, Shooting Incident, Tampa Bay Florida, Plant City, Shooting Incident, Tampa Bay Florida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.