3 hanggang 4 na sundalo namamatay kada araw dahil sa sparrow unit ng NPA ayon kay Pangulong Duterte

By Ricky Brozas March 12, 2018 - 01:05 PM

Inquirer file photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatlo hanggang apat na sundalo ang nalalagas kada araw dahil sa sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa pangulo, aktibo ngayon ang rebeldeng grupo para mang-agaw ng mga armas ng mga sundalo.

Karaniwan aniyang binibiktima ng mga rebelde ang mga sundalo na namalengke lamang at pinapatay na parang aso.

Una rito, sinabi ng pangulo na dalawa hanggang tatlong pulis ang nalalagas kada araw dahil naman sa kanyang kampanya konrtra sa ilegal na droga.

 

 

 

 

TAGS: NPA, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, NPA, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.