Matapos mag-viral ang pre-nup nila ni Coleen sa Ethiopia, ang suot naman ni Billy ang pinagpyestahan sa social media

Posted in: Entertainment, Featured, Latest News, Metro, National, Provincial

Matapos mag-viral ang pre-nup nila ni Coleen sa Ethiopia, ang suot naman ni Billy ang pinagpyestahan sa social media

FB Photo

Nitong weekend nag-viral sa social media ang pre-nup photos nina Billy Crawford at Coleen Garcia na kinunan sa Ethiopia.

Maraming netizens ang nagsabing tila ipinamumukha pa ng dalawa ang agwat ng pamumuhay ng mga mayayaman kumpara sa mga naghihirap sa nasabing bansa.

FB Photo

Pero tila madaling naka-move on dito ang netizens dahil ngayon may bago na slang pinagpipyestahan at ito ay ang telang ginamit sa suot na pang-itaas ni Billy.

Sa post ng isang netizen, itinabi nito ang larawan ni Billy sa picture ng kaniyang nanay na ang bitbit na shoulder bag ay parehong-pareho ng disenyo ng suot ni Billy sa pre nup.

Isa pang netizen ang nag-post din ng larawan sa social media at sinabing ang telang ginamit para sa kanilang sofa ay kapareho din ng tela sa suot ni Billy.

FB Photo| Jake Lopez

Sa post naman ng isang Jake Lopez ipinakita niya ang kaniyang bed sheet na kapareho naman ng disenyo ng tela na ginamit ni Coleen sa isa sa mga larawan nila.

Magkakahalo ang reaksyon ng netizens sa nasabing mga post.

Ang iba gustong malaman kung sino kaya ang designer ng dalawa sa kanilang photoshoot.

Ang iba naman sinabing hindi na dapat gawing big deal pa ang isyu.

 

 

 

 

 

 

Leave a comment