San Miguel, 2-0 na sa semifinals matapos pataubin sa OT ang Ginebra

By Jay Dones March 12, 2018 - 12:31 AM SHARE(S):

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Makapigil-hininga ang naging panalo ng San Miguel kontra Ginebra matapos nitong makuha ang 104-102 na score sa overtime ng kanilang laban sa 2018 PBA Philippine cup semifinals.

Nailusot pa ni Marcio Lassiter ang game-winning basket naturang laban na nagresulta upang makuha ng San Miguel ang 2-0 lead kontra Gin Kings.

Ayon kay SMB coach Leo Austria, sadyang sinwerte ang kanyang team sa laban kaya’t nakuha nila ang panalo.

Una niyang inakala aniya na matatalo sila ngunit dahil sa karanasan at dedikasyon ng koponan ay nagawa nilang makuha ang 2-0 lead.

Sa Martes, muling maghaharap ang Beermen at Gin Kings para sa Game 3 sa Mall of Asia Arena.

Sa muli nilang pagtatapat, sisikapin aniya ng San Miguel na tuldukan na ang labanan sa pamamagitan ng 3-0 advantage kontra sa team Ginebra.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.