Magsasaka natagpuang patay sa Nueva Ecija

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 04:39 PM

 

Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa isang palayan sa Sitio Pugon, Barangay Platero sa Gen. Natividad, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktimang si Agustin Valerio, 60 taong gulang na isang magsasaka.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, bandang alas-9 ng umaga nang magtungo si Valerio sa kanyang sakahan.

Makalipas ang halos tatlong oras, bandang alas-11:45 ng umaga nang matagpuan ng kanyang anak na si Jojo ang bangkay ng biktima. Nakadapa ito at mayroong mga tama ng bala sa katawan.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng kalibre 45 bala at isang palakol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.