Hollywood actress Drew Barrymore, dumating na sa Pilipinas

By Angellic Jordan March 11, 2018 - 03:18 PM SHARE(S):
Credit: Drew Barrymore’s Instagram

Dumating na sa Pilipinas ang Hollywood star na si Drew Barrymore.

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post ng litrato ang kilalang “Charlie’s Angels” actress ng kaniyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport kasama ang mga security personnel.

Bumisita ng bansa ang aktres para i-promite ang inaabangang second season ng Netflix original series na “Santa Clarita Diet.”

Makakasama ni Drew ang co-actor sa naturang series na si Timothy Olyphant.

Huling bumisita ng Pilipinas si Drew noong September 2016 para i-promote ang kaniyang make-up line na Flower beauty.

Gaganapin ang red carpet event at premiere night ng “Santa Clarita Diet” sa SM Megamall bukas, araw ng Lunes.

TAGS: Drew Barrymore, Netflix, Santa Clarita Diet, Drew Barrymore, Netflix, Santa Clarita Diet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.