Rolly Quizon, comatose matapos ma-stroke

By Angellic Jordan March 11, 2018 - 12:30 PM SHARE(S):
Credit: Youtube

Comatose ngayon ang dating aktor na si Raul “Rolly” Quizon matapos ma-stroke habang nasa isang supermarket noong Biyernes.

Batay sa ulat, nakaramdam ng hilo at bigla na lamang natumba si Rolly habang bumibili sa isang supermarket.

Bunsod nito, agad sumailalim sa operasyon si Rolly para matanggal ang blood clot sa kaniyang ulo.

Sa ngayon, nananatili ang aktor sa isang ospital sa Quezon City.

Humiling naman ng panalangin mula sa publiko ang kaniyang pamilya at mga kaibigan para sa paggaling ng aktor.

Si Rolly ay bunsong anak ng Comedy King na si Dolphy sa unang asawa na si Gracita Dominguez.

TAGS: Dolphy, Rolly Quizon, stroke, Dolphy, Rolly Quizon, stroke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.