Planong dayalogo sa pagitan ng US at NoKor, welcome sa Malacañang

By Rhommel Balasbas March 11, 2018 - 05:02 AM

Welcome sa palasyo ng Malacañang ang nilulutong pag-uusap ng North Korea at Estados Unidos.

Umaga ng Sabado ng magpost sa kanyang official twitter account si US President Donald Trump at kinumpirmang pinaghahandaan ang dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa at sinabing makabubuti ito sa buong mundo.

Sa pulong balitaan sa Alimodian, Ilolo sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapag-uusapan na ang mga bagay na hindi napagkakasunduan ng dalawang bansa.

Iginiit ni Roque na sa kasagsagan ng ASEAN at APEC summits, paulit-ulit na ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi ito sang-ayon sa kaguluhan sa rehiyon.

Matatandaang makailang beses na nagpalitan ng maanghang na salita ang US at North Korea dahil sa nuclear ambitions ng Pyongyang na nagdudulot ng tensyon sa Korean Peninsula.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.