Suspek na nagnakaw ng urna sa Manila Memorial Park, arestado

By Jimmy Tamayo March 10, 2018 - 11:27 AM

Credit: Google

Naaresto na ang suspek sa pagnanakaw ng urna sa mosuleo sa Manila Memorial Park sa Paranaque City.

Nakilala ng Paranaque Police ang naaresto na si Dionesio Layson, 30 anyos at dating caretaker sa sementeryo.

Gayunman, itinanggi ni Layson ang bintang at sinabing may dalawang lalaki ang lumapit sa kanya para ipabenta ang gold plated urn na ninakaw sa mosuleo ng pamilya Cruz.

Laman ng urna ang abo ni Maria “Pipie” Cruz, ang negosyanteng na natagpuang patay sa loob ng isang maleta sa Amerika noong 2004.

Kwento pa ng suspek, wala nang laman ang urn nang ibenta niya sa isang junk shop sa Las Pinas City sa halagang P1,900.

Inutusan pa umano siya ng dalawa na kumuha ng ibang abo sa sementeryo para ipalit sa abo ni Cruz para makuha ang pabuya na inilaan ng pamilya Cruz.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operation ang Paranaque Police sa dalawang lalaki na tinukoy ni Layson at sa junk shop na pinagbentahan nito ng urna.

TAGS: Dionesio Layson, manila memorial park, paranaque city, urna, Dionesio Layson, manila memorial park, paranaque city, urna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.