2 truck ng illegal logs, nakumpiska ng grupo ng isang alkalde sa Bulacan

By Kabie Aenlle March 10, 2018 - 06:54 AM

Dalawang truck na puno ng mga illegal logs o mga troso na iligal na pinutol ang nasabat mismo ni Mayor Ronaldo Flores at kaniyang mga tauhan sa Donya Remedios Trinidad sa Bulacan, Biyernes ng hapon.

Ayon kay Flores, sampung armadong kalalakihan ang nagbi-biyahe sa limang tricycle na naglululan din ng mga troso ang kanilang namataan, ngunit nagpulasan nang kanilang komprontahin.

Kalaunan ay nadiskubre nila ang dalawang truck na puno ng mga troso na inabandona na sa tabi ng kalsada.

Nagsagawa na ng imbentaryo ng mga kontrabando ang nasabing grupo.

Hindi naman nakipag-ugnayan sa mga pulis at militar si Flores para sa nasabing operasyon.

Dahil dito, nagkaroon ng usap-usapan na napatay si Flores sa isang ambush, na nakarating rin kay Bulacan police director Senior Supt. Romeo Caramat Jr.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.