P0.85/kwh ang dagdag-singil na ipatutupad ng MERALCO ngayong buwan

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 01:18 PM

P0.85 bawat kilowatt hour ang ipatutupad na dagdag-singil ng MERALCO ngayong buwan ng Marso.

Sa pahayag ng MERALCO, P0.97/kwh dapat talaga ng dagdag-singil ngayong buwan.

Pero upang hindi gaanong maging mabigat sa mga consumer, ang P0.12/kwh ay sasusunod na buwan na lang o sa April billing na lang idaragdag.

Dahil sa nasabing dagdag-singil, ang mga consumer na ang konsumo sa kuryente ay 200 kilowatt hour kada buwan ay may dagdag na P170 sa bill.

Nasa P255 naman ang dagdag kung ang konsumo ay 300 kilowatt hour kada buwan, P340 kung kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan at P425 ang dagdag kung ang konsumo naman ay 500 kilowatt hour kada buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: march, meralco, price hike, Radyo Inquirer, march, meralco, price hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.