3 bahay at 3 tindahan nasunog sa Davao City

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 11:57 AM SHARE(S):

Tinupok ng apoy ang tatlong mga bahay at tatlong tindahan sa sunog na naganap sa Davao City, Biyernes ng umaga.

Naganap ang sunog aals 6:30 ng umaga sa Barangay Toril.

Ayon sa isa sa mga may-ari ng karinderyang nasunog, mabilis na kumalat ang apoy dahil puro gawa sa kahoy ang mga nasunog na establisyimento.

Ayon kay Fredie Lumbayan sa kaniya pa lamang karinderya, aabot na sa 300,000 ang halaga ng mga nasunog na gamit.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Toril Fire station, electrical short circuit ang posibleng sanhi ng sunog.

Aabot sa P2 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, fire incident, Radyo Inquirer, Toril, Davao City, fire incident, Radyo Inquirer, Toril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.