217 pang OFWs mula Kuwait, dumating sa bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 11:00 AM SHARE(S):

Mahigit 200 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Kuwait ang dumating sa bansa kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 217 ang dumating na OFWs na pawang napagkalooban ng amnestiya sa pamahalaan ng Kuwait.

Ang mga umuwing OFWs ay binigyan ng P5,000 na cash assistance ng pamahalaan.

Samantala noong Miyerkules, March 7, 169 na OFWs pa mula Kuwait ang umuwi sa bansa.

Simula noong February 12, halos araw-araw ay may umuuwing OFWs galing Kuwait matapos silang mabigyan ng amnestiya.

Karamihan sa kanila ay mga distressed OFWs, mga runaway, at nakaranas ng pangmamaltrato mula sa mga amo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Foreign Affairs, kuwait, OFWs, Radyo Inquirer, Department of Foreign Affairs, kuwait, OFWs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.