Bus inararo ang 10 sasakyan sa Baclaran, 30 ang sugatan

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 09:17 AM SHARE(S):

(UPDATE) Hindi bababa sa 30 ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa bahagi ng Baclaran.

Ayon kay JC Sto. Domingo ng MMDA metrobase, sangkot sa aksidente ang isang AUV, Taxi, dalawang bus, UV Express, 4 na jeep at 2 motorisklo.

Naganap ang aksidente sa Airport Road kanto ng Roxas Boulevard.

Patungo umano ng Baclaran ang Classic Leisure bus nang mawalan ito ng preno at inararo ang 10 pang sasakyan gayundin ang mga taong nag-aabang lang ng masasakyan sa lugar.

Labinglima sa mga nasugatan ay isinugod sa San Juan De Dios Hospital habang ang iba pa na nagtamo lamang ng minor injuries ay nilapatan na lamang ng lunas ng mga rumespondeng medical team.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Baclaraon, metro news, mmda, multiple collision, accident, Baclaraon, metro news, mmda, multiple collision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.