Hollywood star na si Drew Barrymore babalik ng Pilipinas

March 08, 2018 - 11:25 AM SHARE(S):

Balik-Pilipinas sa susunod na linggo ang Hollywood star na si Drew Barrymore.

Ito ay makaraan ang sorpresang pagbisita niya sa bansa noong nakaraang taon para sa promosyon ng kaniyang make-up line na “Flower Beauty”.

Sa pagkakataong ito, makakasama ni Barrymore ang aktor na si Tomothy Olyphant para naman ipromote ang second season ng kanilang serye sa Netflix na “Santa Clarita Diet”.

Dadaluhan ng dalawa ang premiere night sa SM Megamall sa Lunes at ang isa pang red carpet event bago ang premiere night.

Magugunitang noong nakaraang taon, nagulat na lamang ang marami nang kumalat sa social media ang larawan ni Barrymore habang nasa isang mall.

Hindi kasi inanunsyo ang pagdating noon sa bansa ng aktres.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Drew Barrymore, Radyo Inquirer, Santa Clarita Diet, Drew Barrymore, Radyo Inquirer, Santa Clarita Diet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.