MRT 3 at LRT 2 may libreng sakay sa mga kababaihan ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2018 - 06:26 AM

Bilang bahagi ng pagdiriwang International Women’s Day magbibigay ng libreng sakay sa mga kababaihan ngayong araw ng ang MRT-3 at ang LRT line 2.

Dalawang oras sa umaga at dalawang oras din sa hapon ang libreng sakay.

Mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 gabi ay libreng makakasakay ang mga babae sa MRT 3 at LRT 2.

Ang MRT-3 ay bumabagtas mula North Avenue hanggang Taft sa EDSA at pabalik.

Habang ang LRT 2 naman ay bumabagtas mula Santolan, Pasig hanggang Recto, Maynila at pabalik.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: free rides, International Women's Day, LRT 2, MRT, Radyo Inquirer, free rides, International Women's Day, LRT 2, MRT, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.