5 patay sa vehicular accident sa Navotas at Binangonan, Rizal

By Justinne Punsalang March 07, 2018 - 04:49 AM

Patay sa Navotas

Namatay ang apat katao matapos maaksidente sa Manila East Road na sakop ng Barangay Pag-asa sa Binangonan, Rizal.

Kinilala ang mga biktima na sina Roseby Cayao Mondragon, Perly Bucalon, at mag-asawang sina Celso at Marilen Angel.

Ayon kay Angono Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Jordan Ligutom, agad na namatay matapos ang aksidente sina Mondragon at Bucalon, habang naisugod pa sa ospital ang mag-asawa, ngunit nang lumaon ay binawian rin ng buhay.

Aniya, sakay ng dalawang motorsiklo ang mga biktima at sumalpok ito head-on sa isang jeep.

Sa lakas ng pagbangga ay pare-parehong tumilapon sa kalsada ang mga biktima, habang nawasak naman ang hood ng jeep.

Ayon sa driver ng jeep na si Norman Bacordo nawalan siya ng kontrol sa kanyang minamanehong jeep kaya nasalubong ang mga nagmomotrosiklo.

Giit nito, aksidente lamang ang nangyari kaya naman humihingi siya ng patawad mula sa mga naulila ng mga biktima.

Samantala, sa Sitio Sto. Niño naman sa Navotas City ay patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng truck sa R-10.

Sakay ng motorsiklo ang biktima na walang suot na helmet.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.