Mag-iina pinatay ng kanilang padre-de-pamilya

By Mark Makalalad March 06, 2018 - 04:07 PM

PNP photo

Patay ang mag-iina matapos pagtatagain ng kanilang sariling ama sa San Andres, Romblon.

Kinilala ang mga biktima na si Mylene Talangan, 31 taong gulang at live-in partner ng suspek; Emilyn Falceso, 9 taong gulang at Erwin James Falceso, 5 taong gulang, parehong anak ng suspek.

Habang kinilala naman ang suspek na si Michael Forlaja Falseco.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabi na nakatanggap ng tawag ang San Andres Police Station mula sa kapitbahay ng suspek, na minasaker ng suspek ang kanyang pamilya.

Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng San Andres Police para kumpirmahan ang report at nakipag ugnayan sa mga baranggay officials.

Pinasok ng mga operatiba ang bahay ng suspek at dali-dali namang lumabas ang suspek na armado ng bolo at inatake ang mga  pulis.

Dito na sya pinaputukan gamit ang M16 rifle at tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng kanyang sikmura.

Naisugod pa sa ospital ang suspek pero idineklara na rin itong dead on arrival.

Base sa kwento ng ilang saksi, bago nangyari ang masaker ay nagkaroon muna ng pagtatalo ang mag-live in partner.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring krimen.

TAGS: massacre, PNP, Romblon, san adnres, massacre, PNP, Romblon, san adnres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.