Aktibong pulis at kaniyang live-in partner arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2018 - 11:59 AM

CDN Photo

Naaresto ng mga tauhan ng drug enforcement unit ng Mabolo police precinct ang isang aktibong pulis at kaniyang kinakasama sa isinagawang operasyon sa Sitio Panagdait, Barangay Kasambagan, Cebu City, Martes ng madaling araw.

Si PO1 Jayrome Solano, 36-anyos at tubong Iligan City, Lanao Del Norte ay dinakip sa kaniyang bahay kasama ang kaniyang live-in partner na si Ma. Ester Montianto, 23-anyos.

Si Solano ay aktibo pang tauhan ng Carbon police precinct.

Nakumpiska mula kay Solano ang isang medium sized na pakete at isang maliit na sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P81,420 at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Chief Inspector Clark Ariola, hepe ng Mabolo police station si Solano ay kabilang sa kanilang listahan ng mga high value target.

Ikinulong pansamantala sa Mabolo police precinct sina Solano at Montianto habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Carbon police, Illegal Drugs, Mabolo police precinct, War on drugs, Carbon police, Illegal Drugs, Mabolo police precinct, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.