NLEX wagi kontra Alaska sa PBA playoff game

By Jay Dones March 06, 2018 - 12:05 AM SHARE(S):

 

Tristan Tamayo/ Inquirer.net

Naging susi si NLEX rookie Kiefer Ravena upang makuha ang panalo ng kanyang koponan sa pakikipagharap nito kontra Alaska para sa 2018 PBA Philippine Cup quarterfinals.

Sa score na 105-99 naipanalo ng Road Warriors ang laban kontra Alaska sa laban na ginanap kagabi.

Ayon kay Ravena, sadyang ninais niyang maipanalo ang laban dahil naging pahirapan ang kanilang laro sa kabuuan ng conveference.

Bukod dito, best-of-three lamang aniya ang labanan kaya’t mahalagang gawin ng bawa’t isa ang kanilang makakaya upang manalo sa tuwing may pagkakataon.

Dahil sa panalo, haharap sa kanilang kauna-unahang franchise semifinals ang NLEX sa Miyerkules.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.