Pulis na nakabaril sa isang 13-anyos na binatilyo, sumuko

By Justinne Punsalang March 06, 2018 - 01:51 AM

 

Boluntaryong sumuko sa Manila Police District (MPD) ang isang pulis na umaming nakabaril sa isang 13 taong gulang na binatilyo sa Vitas, Tondo, Maynila.

Sa ngayon ay hawak na ng MPD Homicide Section si PO2 Omar Malinao, matapos nitong akuin ang pagkakapatay kay Aldrin Pineda sa Vitas Slaughterhouse, Biyernes ng gabi.

Ayon kay MPD Spokesperson Erwin Margarejo, isasailalim muna sa ballistic examination ang service firearm ni Malinao at titingnan kung tugma ba ito sa narekober na slug sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, dalawang mga pulis-Maynila pa ang hawak ng MPD Administrative holding unit dahil sa posibilidad na may kaugnayan rin sila sa pamamaril. Ipinasusuko rin ang kanilang mga baril na kapwa isasailim sa ballistic examination.

Nauna nang sinabi ng mga kaibigan ni Pineda na lalaking nakasuot ng puting t-shirt at pantalon na kagaya ng sa mga pulis ang bumaril sa binatilyo.

Umaasa naman ang mga magulang ni Pineda na makakamit na nila ang hustiya sa lalong madaling panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.