Ginang, pinagbabaril sa mismong burol ng kanyang asawa sa Ilocos Norte

By Justinne Punsalang March 06, 2018 - 01:09 AM

 

Maswerteng nasugatan lamang ang isang babae matapos itong pagbabarilin sa mismong burol ng kanyang asawa sa Barangay San Ramon sa bayan ng Vintar sa Ilocos Norte.

Kinilala ang biktimang si Teresita Zuñiga, 57 taong gulang.

Lumabas sa imbestigasyon ng Vintar Municipal Police na nagpanggap na bisita sa lamay ni Francisco Zuñiga Sr. ang salarin.

Sumilip pa umano ang suspek sa kabaong at nang papalabas na sa bahay ay doon niya binaril sa hita si Teresita.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek at agaran ding isinugod sa ospital ang biktima.

Ayon sa mga otoridad, isa sa kanilang tinitingnang motibo sa insidente ang away sa lupa.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow up operation ang mga pulis-Vintar upang maaresto ang salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.