“Martsa ng Bayan, CJ Ipaglaban” rally, ikinasa ng PCEC para kay Sereno

By Rhommel Balasbas March 05, 2018 - 04:06 AM

 

Inquirer file photo

Magpapakita ng suporta kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) sa pamamagitan ng isang rally.

Ikinasa ng PCEC ang ““Martsa ng Bayan, CJ Ipaglaban” rally at magaganap bukas, araw ng Martes, sa Quezon City.

Ayon kay PCEC National Director Bishop Noel Pantoja, naniniwala sila sa PCEC na inosente ang punong mahistrado sa mga akusasyong ipinupukol dito.

Hinikayat rin ni Pantoja ang mga mamamayan na ipakita ang suporta kay Sereno at sa demokrasya sa bansa.

Noong 2012 ay inendorso rin ng naturang grupo si Sereno para sa kanyang appointment bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.