Sam Smith, magbabalik Pilipinas para sa isang concert

By Rhommel Balasbas March 05, 2018 - 12:04 AM SHARE(S):

 

Inanunsyo ng MMI live ang nakatakdang pagbabalik ng British singer-songwriter na si Sam Smith sa Pilipinas para sa isang one-night concert.

Magaganap ang pagtatanghal ng sikat na singer sa October 5 sa Mall of Asia Arena.

Ang Manila concert ni Sam Smith ay bahagi ng kanyang world tour na “The Thrill of It All” na nakatakda nang umarangkada sa katapusan ng buwan at magsisimula sa United Kingdom.

Sa pamamagitan din ng concert na ito ay itatampok ang kanyang mga bagong awitin sa kanyang ikalawang album sa kaparehong pamagat ng concert.

Kabilang sa mga inaasahang kantahin ni Smith ay ang kanyang latest single na “Too Good at Goodbyes”, maging ang ilan sa kanyang mga sikat na kanya na “Lay Me Down”, “Stay with Me”, at “I’m Not the Only One”.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.