Plano ng DILG na kasuhan ang barangay officials na walang aktibong anti-drug councils, welcome sa PDEA

By Rhommel Balasbas March 05, 2018 - 03:09 AM

 

Welcome sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng mga kasong administratibo ang mga barangay officials na mabibigong gawing aktibo ang kanilang barangay anti-drug abuse councils (BADACs).

Ito ang inihayag ni PDEA Director General Aaron N. Aquino sa nakatakdang paglalabas ng DILG memorandum na nag-uutos sa mga opisyal ng baranggay na bumuo ng anti-drug council sa kanilang nasasakupan sa loob ng 30 araw.

Ayon kay Aquino, sakaling hindi sila tumupad sa direktiba ay maaari itong maging basehan para hindi aprubahan ang kanilang annual budget at posible ring panagutin ang mga ito sa ilalim ng local governtmenct code at anti-drug laws.

Iginiit ng hepe ng PDEA ang kahalagahan ng mga anti-drug councils para sa kampanya kontra iligal droga ng gobyerno.

Malaki rin anya ang posibilidad na maaaring kaya walang functional na BADACs ang ilang baranggay ay dahil sangkot ang ilang mga opisyal nito sa kalakaran ng droga.

Umapela rin si Aquino sa iba pang ahensya ng mga gobyerno na gawing drug-free sa 2022 ang 24,424 barangays na apektado ng iligal na droga sa buong bansa

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.