Lalaki pinagbabaril sa Payatas, Quezon City

By Justinne Punsalang March 05, 2018 - 12:55 AM

 

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Legaspi Street, sa Payatas, Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang biktima ngunit nakasuot ito ng striped t-shirt at orange na shorts.

Tinatayang nasa pagitan ng 35 hanggang 40 taong gulang ang lalaki.

Kwento ng isang saksi sa insidente, nakasuot ng helmet at jacket ang suspek na agad na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa saksi, hindi niya nakita, ngunit narinig niya ang tunog ng motorsiklo na posibleng ginamit na getaway vehicle ng salarin.

Ayon naman sa mga kawani ng barangay, hindi nila kilala ang biktima dahil hindi ito residente sa lugar.

Blangko pa ang mga otoridad tungkol sa motibo ng pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.