Maute group patuloy pa ring nagre-recruit ng mga bagong miyembro

By Justinne Punsalang March 05, 2018 - 01:31 AM

 

Naghahanda ulit ang ISIS-inspired Maute group sa pagsasagawa ng isa pang pag-atake.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Army chief, Lieutenant General Rolando Bautista sa isang panayam.

Aniya, bahagi ng paghahanda ng Maute group ang pag-recruit ng mga bagong miyembro hindi lamang sa Marawi City ngunit maging sa Palimbang sa Sultan Kudarat, Sulu, at Basilan.

Aniya pa, inaasahan nang ganito ang magiging aksyon ng mga natitirang taga-suporta ng Maute group.

Dagdag ng opisyal, mayroong malaking posiblidad na muling umatake o mag-okupa ng isa pang lungsod ang teroristang grupo, pero hindi na ito sa Marawi.

Ngunit paninigurado ni Bautista, magpapatuloy ang pwersa ng pamahalaan sa pagbabantay ng Marawi City, lalo na’t nagpapatuloy ang rehabilitasyon ng lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.