Sa Italian Soccer: Team captain ng Fiorentina, natagpuang patay

By Jay Dones March 04, 2018 - 11:32 PM SHARE(S):

 

Ikinagulantang ng Italian football league ang biglaang pagkamatay ng team captain at defender ng Team Fiorentina na si Davide Astori.

Si Astori na 31-anyos pa lamang ay nasawi sanhi ng karamdaman bagamat hindi tinukoy kung ano ito.

Ayon sa imbestigasyon, natagpuan na lamang ang atleta na wala nang buhay sa loob ng kanyang kuwarto sa isang hotel sa Udine Linggo ng umaga.

Nag-alala ang mga kasamahan nito nang hindi lumabas ng kanyang kuwarto si Astori kaya’t nagpasya sila na ito ay puntahan.

Dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nakatakda sanang magharap ang team Fiorentina na kinaaaniban ni Astori at ang team Udinese sa Dacia Arena, Linggo ng hapon.

Dahil sa trahedya, kinansela muna ang lahat ng laro ng soccer ng Serie A kahapon.

Maging ang laban ng AC Milan at Inter Milan ay sinuspinde rin muna ng koponan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.