Tricycle driver pinagbabaril sa CamSur

By Justinne Punsalang March 04, 2018 - 08:29 PM

 

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay San Pedro sa Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Honorato Gavalfin, 50 taong gulang at isang tricycle driver.

11 tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Gavalfin.

Ayon sa asawa nito na si Mary Jane, maaaring may kinalaman sa pamamaslang sa mister ang naunang insidente ng pamamaril sa isa namang pulis noong nakaraang taon.

Aniya, itinuturo kasi si Gavalfin na kasabwat ng gunman na siyang bumaril sa pulis-Iriga.

Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga otoridad tungkol sa mga posibleng motibo na kanilang tinitingnan na may kaugnayan sa naturang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.