Motibo sa pagpaslang sa negosyante sa 999 mall, tukoy na

By Ricky Brozas March 04, 2018 - 02:28 PM

Photo by Alvin Barcelona

Tukoy na ng Manila police ang motibo sa kaso ng pagpaslayang sa 60-anyos na negosyanteng si Edilberto Lustado Pornobe.

Ayon sa pinagkakatiwalaang source, ang pagmamay-ari sa mga stall sa loob at labas ng 999 Shopping Mall ang naestablisa nilang dahilan ng pamamaslang kahapong  pasado alas-2, Marso 3, 2018 sa biktima.

Nabatid sa source na inaalok ng may-ari ng mall sa biktima ang mga nabakanteng stalls sa loob ng mall sa ikalawang palapag at maging sa labas.

Gayunman, binalaan umano si Pornobe ng mga nais pumuwesto sa lugar na una na ring pinaalis ng may-ari dahil sa mga magugulo.

Makalipas umano ang 6 na buwan o isang lingo bago naganap ang pananambang, may nagpaalala sa biktima na mag-ingat dahil siya ay papatayin.

Hindi nga nagtagal, tatlong lalaki ang pumasok sa 999 Shopping Mall kung saan sa ikalawang palapag ay tinungo ang boutique ng mag-asawang  Pornobe at duon sinagawa ang krimen.

Patay agad ang biktima habang naisugod naman sa Justice Jose Abad Santos Hospital (dating Mother and Child Hospital) ang misis ni Pornobe na nagtamo ng daplis sa siko.

Ayon sa source, malaki ang posibilidad na matunton agad ang mga salarin lalo na at malinaw ang kuha ng mga CCTV sa loob at labas ng mall kung saan pumasok at lumabas ang mga salarin.

TAGS: 999 mall, Divisoria, MPD, 999 mall, Divisoria, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.