NoKor nagbabala na lalabanan ang US kung magsasagawa ng military exercises sa SoKor

By Justinne Punsalang March 04, 2018 - 06:31 AM

Nagbabala ang North Korea na handa nilang labanan ang Estados Unidos kung itutuloy nito ang pagsasagawa ng joint military exercises kasama ang South Korea, habang pinapanatili ang nakapataw na sanctions sa NoKor.

Ayon sa official news agency ng NoKor na KCNA, kailangang akuin lahat ng US ang magiging resulta ng counteraction ng NoKor.

Ayon pa dito, hindi magmamakaawa ang kanilang bansa para lamang makausap ang US.

Ayon naman sa foreign ministry spokesperson ng NoKor, nakadepende sa attitude ng US ang kapayapaan sa Korean peninsula.

Ngunit naninindigan ang White House na anumang pag-uusap kasama ang North Korea ay kailangang humantong sa pagtatapos ng nuclear program ng bansa.

Nakatakdang simulan ng Estados Unidos ang joint exercises sa April.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.