2 vintage bombs, natagpuan sa Albay

By Inquirer.net, Rhommel Balasbas March 04, 2018 - 02:43 AM

AFP FILE PHOTO

Nagulantang ang mga construction workers sa Albay matapos makahukay ng dalawang vintage bombs sa isang construction site sa bayan ng Daraga.

Ayon kay Bicol Police Spokesperson Sr. Inspector Maria Luisa Calubaquib, ang mga nasabing vintage bombs ay posibleng ibinagsak noong kasagsagan ng World War II.

Gayunman, ang mga bomba ay hindi nagsisabog noon dahilan para marekober ng mga consctruction workers na naghuhukay para sa itinatayong commercial building sa Jigg’y Transport Terminal sa Barangay Kimantong.

Ang naturang barangay ay ilang metro lamang ang layo mula sa municipal building at Daraga Police Station.

Ayon kay Calubaquib, nasa kustodiya na ng Police Regional Explosive and Ordinance Department ang dalawang bomba para sa proper disposition.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.