Joana Demafelis, nailibing na

By Marilyn Montaño March 04, 2018 - 02:37 AM

Contributed Photo

Nailibing na si Joana Demafelis, ang OFW na pinatay at inilagay sa freezer sa kuwait.

Hustisya pa rin ang sigaw ng mga kaanak at kaibigan ni Demafelis nang ilibing ito sa Virgin Island Cemetery sa bayan nito sa Sara, Iloilo Sabado ng hapon.

Umabot sa halos 2,000 katao ang nakipaglibing at nagpakita ng suporta sa pamilya ng nasawing pinay worker.

Suot ng mga tao sa libing ang puting t-shirt na may nakasulat na ‘Justice for Joana Demafelis’.

Nagpasalamat naman ang pamilya sa tulong pinansyal ng ibang tao.

Gagamitin umano ang abuloy sa edukasyon ng bunsong kapatid ni Demafelis na ito ang sumasagot dati.

Ang lokal na pamahalaan naman ng Iloilo ang sumagot ng gastos sa burol ni Demafelis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.