Residential area sa Antipolo City nasunog

By Justinne Punsalang March 04, 2018 - 01:05 AM

Siyamnapung kabahayan sa Barangay Mayamot sa lungsod ng Antipolo, Rizal ang nasunog Sabado ng umaga.

Alas-9 ng umaga nang magsimula ang apoy na itinaas hanggang sa ikalawang alarma.

Ayon sa Antipolo City Fire Department, nagsimula ang apoy mula sa sa bahay ng isang Ely Adajar, ngunit hindi pa malinaw kung paano ito nagsimula.

Tinatayang aabot sa P300,000 ang kabuuang halaga ng danyos na idinulot ng nasabing pagliliyab.

Maswerte namang walang nasaktan dahil sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.