Lalaking pinagbabaril sa mall sa Divisoria, nakilala na

March 03, 2018 - 07:21 PM
Natukoy na ang pagkakakilanlan ng lalaking pinagbabaril sa 999 mall sa Divisoria, Maynila. Dead-on-the-spot ang biktima na si Edilberto Pornobi (60) may-ari ng botique at residente ng  114 Nepa Street, Balut, sa Tondo, Maynila. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima. Itinakbo naman ang sinasabing misis nito na si Maria Teresa Pornobi (59) sa Justice Jose Abad Santos Medical Center, nadaplisan ito ng bala sa magkabilang siko at  nakalabas mula sa ospital. Nangyari ang pamamaril sa Dress-cription Boutique, Pasilio D, 2nd floor ng Building 2 sa loob ng 999 Shopping Mall bago mag-alas-2:00 ng hapon. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), pawang nakasurgical mask, sumbrero at sunglasses ang dalawang suspek sa krimen. Ayon sa isa sa staff ng mag asawa, humingi si ng tulong sa mga security guard na rumesponde makalipas ang limang minuto. Base sa homicide section ng MPD, kalibre 45 baril ang ginamit sa pamamaril. Kasalukuyan nang tinitingnan ng polisya ang mga CCTV footage sa loob at labas ng mall at kinakausap na rin ang mga nakasaksi sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.