Lalaki patay sa pamamaril sa isang mall sa Divisoria

By Alvin Barcelona March 03, 2018 - 03:26 PM

Isa ang naiulat na patay sa isang shoiting incident sa 999 mall 2 sa Divisoria, Manila.

Ayon sa Station 11 ng Manila Police District, nangyari ang pamamaril bago mag-alas-2:00 ng hapon sa 2nd floor ng mall.

Isang lalake ang patay habang ang sinasabing misis ng biktima ay dinala na sa malapit na ospital.

Sa ngayon mahigpit ang mga security guards ng mall, sarado na ang lahat ng exit at entrance at kontrolado ang pagpapalabas ng tao dahil posibleng nasa loob pa ang suspek sa pamamaril.

Sa ngayon, nasa loob na ang mga imbestigador ng MPD station 11.

TAGS: 999 mall, Divisoria, lalaki, manila, patay, Shooting Incident, 999 mall, Divisoria, lalaki, manila, patay, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.