WATCH: Panggugulpi sa dalawang lalaki sa Maynila, huli sa CCTV

By Justinne Punsalang March 02, 2018 - 08:59 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Bugbog-sarado ang dalawang lalaki matapos silang mapagtripan ng magkapatid sa isang eskinita sa Tondo, Maynila.

Kapwa puro pasa at sugat sa mukha at katawan ang mga biktimang sina Erwin Quinola at Dandarian Carpio.

Makikita sa CCTV footage sa lugar na tila inaabangan ng magkapatid na sina Dennis at Dante Acuña ang mga biktima.

Makikita rin na mayroong dalang baril ang mga suspek.

Nang dumaan na sa sina Carpio at Quinola sa eskinita ay doon na sila pinagbubugbog ng magkapatid na Acuña. Sinasabing pinaputok pa ang dalang baril ng dalawa.

Lumapit ang mga biktima sa Manila Police District (MPD) Station 7 upang ireklamo ang magkapatid na Acuña ngunit sinabihan sila ng mga otoridad na ayusin na lamang muna ito sa barangay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: metro news, Radyo Inquirer, Tondo Manila, metro news, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.