Mainit at maalinsangang panahon mararanasan na sa buong bansa

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2018 - 06:54 AM

Magiging maaliwalas ang panahon ngayong araw dahil walang anomang sama ng panahon na binabantayan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pero ayon sa PAGASA, easterlies ang umiiral ngayon sa eastern section ng bansa at maghahatid ito ng mainit at maalinsangang panahon.

Aasahan din ang unti-unti nang pagtaas ng temperatura sa bansa.

Kahapon umabot sa 33.8 degrees celsius ang pinakamataas na temperatura na naitala sa Metro Manila ala una ng hapon.

Ngayong araw sinabi ng PAGASA na maglalaro sa pagitan ng 25 hanggang sa 34 degrees Celsius ang maitatalang temperatura sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: easterlies, pagasa, Radyo Inquirer, weather in PH, easterlies, pagasa, Radyo Inquirer, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.