Gilas Pilipinas, wagi laban sa Japan, China sunod na makakalaban

By Kathleen Betina Aenlle October 03, 2015 - 03:10 AM

gilas v japan final scorePasok na sa FIBA Asia Final ang Gilas Pilipinas matapos talunin ang koponan ng Japan sa kanilang laro kagabi.

Ilang beses ring naungusan ng Japan ang Pilipinas sa kasagsagan ng laban, tulad na lamang sa pagtatapos ng 1st quarter, pero nakahabol ang Pilipinas at nag-tabla ang iskor ng magkalabang koponan sa pagtatapos ng parehong 2nd at 3rd quarter.

Bagaman naging dikit ang laban kagabi, nakuha pa rin ng Gilas ang tagumpay sa iskor na 81-70.

Lubos rin na tinutukan at sinuportahan ng mga fans ang laban ng Gilas kaya naman naging top trending topic sa Twitter ang #LabanPilipinas kagabi.

Dahil naman sa pagpapataob ng koponan ng China sa Iran kagabi, ito ang makakaharap ng Pilipinas sa FIBA Asia Final mamayang 8:30 ng gabi.

TAGS: #LabanPilipinas, fiba asia, gilas pilipinas vs japan, #LabanPilipinas, fiba asia, gilas pilipinas vs japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.