Higit isang milyong isda naapektuhan ng fish kill sa Ilocos Sur

By Rohanissa Abbas March 01, 2018 - 11:33 AM

Patay ang higit isang milyong isda sa Bantaoay River sa Ilocos Sur.

Apektado ng fish kill ang higit 100 cages na tinatayang may tig-10,000 tilapia at malaga ang alaga.

Karamihan sa mga ito ay hindi na naibenta, pero may ilang ibinenta pa rin sa mas murang halaga.

Inaalam pa ang sanhi ng fishkill, pero sa tingin ng mga mangingisda, kinulang sa oxygen ang mga isda dahil sa overfeeding.

Posible rin umanong nalason ang mga ito dahil sa naghalong tubig-tabang at tubig-alat.

Susuriin naman ng Provincial at Regional Fisheries Office at Department of Agriculture (DA) sa San Vicente, Ilocos Sur ang sanhi ng insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BFAR, Fish kill, Radyo Inquirer, BFAR, Fish kill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.