30 OFWs mula Kuwait dumating sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2018 - 10:04 AM SHARE(S):
DFA Photo

30 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating sa bansa Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), karamihan sa mga umuwing OFWs ay pawang mga household service workers sa Kuwait at napagkalooban ng amnestiya ng Kuwaiti Government.

Pinagkalooban ng cash assistance ang mga umuwing OFWs at sinagot ng OWWA ang pamasahe ng mga taga probinsya.

Ang mga taga Metro Manila naman, inihatid sa pinakamalapit na drop off point.

Sa mga susunod na araw magpapatuloy ang pagdating sa bansa ng mga OFWs mula Kuwait

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Foreign Affairs, kuwait, OFWs, Department of Foreign Affairs, kuwait, OFWs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.