Babae sugatan makaraang masagasaan sa Quezon Avenue

By Justinne Punsalang March 01, 2018 - 06:56 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Nagtamo ng bali sa katawan ang isang babae matapos itong mabundol ng isang Toyota Hi-Ace sa Quezon Avenue, bago tumawid ng EDSA.

Kinilala ang biktimang si Noneng Nabo na patawid ng Quezon Avenue nang mabangga ng nasabing van.

Kwento ng isang volunteer ng MMDA at Grab driver na si Jericho Uman, habang nagmamaneho siya para maghanapbuhay nang madaanan niya ang nakadapang katawan ni Nabo.

Agad namang dumating ang rescue team ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na silang nagsakay sa biktima sa ambulansya papunta ng East Avenue Medical Center.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang driver ng Hi-Ace.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa aksidente, kung saan posibleng maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Quezon Avenue, quezon city, road accident, accident, Quezon Avenue, quezon city, road accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.