GOOD NEWS: Presyo ng LPG, may rollback bukas

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2018 - 06:03 AM SHARE(S):

Sasalubungin ng rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Marso.

Epektibo bukas arawng Huwebes, March 1, magpapatupad ng bawas sa presyo ng LPG ang mga kumpanya ng langis.

Tinatayang nasa pagitan ng P1.50 hanggang P2.50 ang ipatutupad na rollback sa presyo ng LPG.

Katumbas ito ng P16.50 hanggang P27.50 na rollback sa bawat 11-kilogram na tangke.

Ngayong araw inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ang eksaktong halaga ng ipatutupad nilang rollback.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: LPG, Price Rollback, Radyo Inquirer, LPG, Price Rollback, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.